Madlum Cave, Bayukbok Cave, Monkey Bridge, River trekking, Mt. Manalmon at ang sari-saring pwedeng gawin sa San Miguel, Bulacan

ImageSa loob ng nakalipas na maga akyat, isa sa mga nagustuhan kong puntahan ay ang Mt. Manalmon sa Brgy. Sibul sa San Miguel, Bulacan. Isang maliit na kumonidad na malapit sa lugar na pinaglalaanan namin ng aming oras dahil sa aming proyektong pagkakalabaw sa Tartaro, San Miguel Bulacan. Ang lugar na ito ay hindi masyado kilala ng mga taga Bulacan. Naaalala ko nung minsang magtanong ako sa isang punong Brgy. sa Masalipit, hindi nya alam kung nasaan ang Mt. Manalmon. Nakakalungkot isipin na sa ganda ng lugar, hindi ito alam ng mga taga Bulacan.

Sa mga nagnanais na pumunta sa Mt. Manalmon, maaari nyong sundan ang blog na ito o kaya ay kayo mismo ang gumawa ng sarili nyong itineraryo para sa maghapong lakwatsa.

Paano pumunta sa Mt. Manalmon mula sa Manila?

Mula sa Cubao maaaring sumakay sa 5 star bus, sa baliwag transit o kaya sa ES transit. Lahat ng bus na ito ay patungong Cabanatuan na dumadaan ng San. Miguel, Bulacan. Nirerekomenda ng lakwatserong sulit na sumakay sa ES transit. Kung nagpaplano para sa isang araw na lakwatsa maaaring sundan ang itineraryo sa ibabang bahagi ng blog.

728x90

By clicking the banner above and purchasing deals you are helping me in my next travel.

Mula sa Cubao ay halos dalawa’t kalahating oras ang biyahe hanggang umabot ka ng Camias, San Miguel. Ang pamasahe sa bay ay P117.00 bawat isa. Maaari mong sabihin sa kundoktor na ibaba ka sa Total Gas Station sa kanto ng Camias. Maraming nag-aabang na tricycle sa Total Gas Station at sa kanto ng Camias. Kung maaga kang umalis ng Cubao at di ka pa nakapag almusal, nirerekomenda ng lakwatserong sulit na mag almusal sa karenderia malapit sa Total Gas Station lalakad ng mga tatlumpong metro pabalik ay makikita mo ang Abi’s Lechon na kung saan maraming klase ng ulam ang mapagpipilian. Subukan ang lechon o kaya ay lechon kawali. Sa halagang P50.00 pesos my lechon kawali at kanin ka na. Mahiram umakyat kapag gutom kaya dapat alam mo kung saan may mura at masarap na kainan.

Mula sa Abi’s Lechon maaari kang bumalik patungong kanto ng Camias o kaya ay minsan kapag na-ispotan ka ng trycicle draybers na aakyat minsan sila na pumupunta sa Abi’s Lechon at inaabangan kang matapos kumain. Ang pamasahe papuntang Madlum ay P240.00 kada trycicle pero kung magaling ka sa tawaran maaari itong bumaba hanggang P200.00. Apat ang kasya sa tryc kaya kung apat kayo mas makakatipid. Kung mag-isa ka lang at talagang nagtitipid maaaring mag-antay ng mga aakyat at makisabay na lang sa trycicle at magbigay na lang ng kaukulang ambag. Malayo-layo ang biyahe kaya ganun ang pamasahe at pagdating sa Brgy. Sibul ay hindi pa maayos ang daanan, bako-bako at mabato.

Siguraduhing kaibiganin ang tryc drayber at kung gustong masulit ang karanasan makiusap sa drayber na kung pwede ay dumaan sa pagawaan o bentahan ng chicharon. Bumili at magbaon ng kilalang produkto ng San Miguel and chicharong baboy. Sa halagang P50.00 mayroon ka nang pagsasaluhan ng grupo. Kung talagang nagtitipid meron namang tag P20.00 pesos lang.

ImagePagdating sa Brgy. Sibul, magbabayad ng entrance fee na P5.00 kada isa. Pagdating sa Madlum, tatawid gamit ang balsa o kaya subukin agad ang kakayahan na tumawid gamit ang monkey bridge upang makarating sa Registration area. Kung maraming dalang gamit, nirerekomenda ang pagsakay sa balsa upang hindi gaanong mahirapan, makaka-antay naman ang monkey bridge. Limang piso P5.00 ang bayad sa balsa pero sa monkey bridge libre lang.

Pagkatawid ay magrere-histro. Ang bayad? Limang piso ulit. P5.00 kada isa. Dito ay magbibigay na ng guide ang pamunuan ng Madlum upang masiguro ang inyong kaligtasan at masulit na rin ang inyong karanasan. Sa ilalim ng kahusayan ng Miriam College ay naitayo ang ganitong sistema upang magkaroon ng pamumuhay ang mga naninirahan dito. (Kudos to Miriam College) Sila rin ang nagpatayo ng mga banyo na pwedeng pagbanlawan pagkatapos ng mga adventure.

Ang bayad sa guide kung isang araw na lakwatsa lang ay P300.00 ngunit kung overnight ito ay umaabot hanggang P600.00 maliban pa ito kung papasok sa kweba ng Bayukbok. Kung papasok sa kweba ang bayad para sa guide ay P150.00  Kaya naman nirerekomenda ulit ng lakwatserong sulit ang pagpunta rito ng grupo. (Huwag kang loner, mapapamahal ka.)

Madlum Cave

Mga isang daang hakbang mula sa Registration area ay makikita ang Madlum Cave, maiksi lamang ang kwebang ito subalit dapat masubukan agad ang pagpasok sa loob, dapat ay sabihin sa guide na papasok sa loob, minsan kasi ang mga guide ay tinatamad ng pumasok sa loob at dadaanan nyo lang ang isang bahagi ng kweba. Kahit maiksi huwag ismolin dahil dito masusubok ang kakayanan ng inyong katawan sapagkat may bahaging makipot at kailangang dumapa para makapasok.Image

Mt. Manalmon

DSC_0056

The summit of Mt. Manalmon viewed from the trail

Pagkalabas ng Madlum cave ay madadaanan ang ilog, tuwing summer ay hindi malalim ang tubig dito at pwede kang lumakad sa ibabaw ng mga bato ngunit kung tag-ulan ay kailangan mong lumubog ng aabot hanggang tuhod.. Malinaw at malinis ang tubig tuwing tag-init  kaya payo ng LS na pumunta rito ng tag-init. Pagkatawid ng ilog ay may bahay na may tindahang madadaanan kaya naman kung may nais kang bilhin ay bilhin mo na dahil wala ng kasunod. 😀 Dalawang kilometro lamang ang layo ng tuktok ng Mt. Manalmon mula sa Registration area kaya naman maaari itong lakarin ng isang oras ngunit kung grupo ay umaabot ito ng dalawang oras lalo kung mahilig sa pictorial ang mga kasama. May mga ilang hindi mahilig sa pictures at may ilan namang talagang mahilig na kumbaga hindi sulit ang karanasan at kulang ang kwento kapag walang pictures.

May dalawang trail pa-akyat sa tuktok ng Manalmon ang easy trail at ang slightly hard trail na magmumula sa ilog. Ang mga guide ay pinipili ang easy trail pa-akyat at ang slightly hard trail pababa.Image

Sa panahon ng taginit ay naglipana ang mga bunga ng duhat sa tuktok ng Manalmon. Libre itong kunin at kainin sa camping area.

Free Duhat

Free Duhat

Malawak ang camping area sa my tuktok magka-kasya ang sampu hanggang labinlimang tent sa tuktok kaya kung nagpaplano mag overnight ay walang problema dahil maayos ang campsite. (Pakiusap lang bawal magkalat)

Mga limampung hakbang mula sa campsite ay maabot na ang tuktok (summit) at doon ay maaring magpictorial, pwedeng jumpshot papunta sa ilog o kaya naman jumpshot sa bangin depende sa trip mo. Kung siswertehen maaari kang makakita ng lumilipad na lawin at kung medyo maganda ganda ang camera maaari mo itong makuhanan.

Ang Lawin ng Manalmon

Ang Lawin ng Manalmon

Swimming

Pagkatapos magpakasawa sa tuktok ay maaari ka ng bumaba at pumunta sa ilog. Maaari mong pawiin ang pagod mo rito o kaya ay dagdagan sa kalalangoy at katatalon mula sa ibabaw ng bato. (Pasubali: huwag gayahin kung hindi marunong lumangoy)

Monkey Bridge

ImageBago pumunta sa Bayukbok Cave maaari ng subukan ang Monkey Bridge crossing, dahil tatawid ka pabalik galing sa Registration Area. Isa na namang kakaibang gagawin. Mabagal ang pagtawid pero may pride na dulot kapag nakatawid lalo sa mga kaibigang medyo may kataasan ang timbang. Bukod sa libre na, aba susubukin pa ang konting kaba mo sa pagtawid dito.

Bayukbok Cave

Pagkatapos lumangoy ay maaari ng bumalik sa Registration Area at doon ilagay ang mga gamit kung nais pumunta ng kweba. Siguraduhing magdala ng headlamp at tubig kung tutuloy sa kweba. Gagawa ako ng isa pang blog para sa Bayukbok Cave, antay-antay lang dahil isang karanasan itong dapat bigyan ng diin para sa sulit na lakwatsa at sa kaalaman ng nagnanais pumunta dito.Image

Pagkatapos ng Bayukbok Cave, maaaring maligong muli sa ilog, magbabad, at huling photo ops.

Itineraryo

0330    Assembly ES Transport Cubao
0400   ETD Cubao to San Miguel
0630   ETA Total Gas Station Brgy. Camias, San Miguel, Bulacan
Breakfast at Abi’s Lechon
0700  ETD Camias to Madlum
0730  ETA Madlum / Register / Start trek
0900  ETA Mt. Manalmon Summit / Pictures pictures pictures
1030   Start descent going to the River
1100    Swim / Rock Dive / Cliff Dive
1130    Startt trek back to Registration Site
1200   ETD Reg Site / Lunch / Rest / Socials
0200  Monkey Bridge
0230  Start trek to Bayukbok Cave
0430  Back to the Reg Site
0500  Wash up and head back to Manila
0830  ETA Cubao

Badyet / Budget

Para sa grupo ng lima katao
P117.00   Bus fare Cubao to Camias, San Miguel
P50.00     Breakfast
P52.00     per head tricycle fare for a group of 5 for a tryc fare of P260.00
P5.00       Entrance in Sibul
P5.00       Raft fare
P5.00       Registration Fee
P100.00  per head Guide fee for a group of 5 with P500.00 as guide
fee (inclusive of Mt. Manalmon and caving for a day hike)
P10.00    Bottled water
P50.00    Lunch
P10.00    Raft fare from Bayukbok and from Reg site going home
P52.00    Tryc fare back to Camias
P80.00    Early Dinner at Abi’s Lechon
P117.00  Bus Fare to Cubao

P653.00 Total Budget

 

Sulit na sulit para sa mga lakwatserong sulit na kagaya mo.

Tips:

Para makabawas pa ng ilang gastos, maaaring magdala ng sariling tubig, at pagkain. Mga dapat dalhin: extrang damit at pambaba, towel, toiletries, malong, headlamp, slippers kung naka trek shoes o pwede ring trek sandals na lang para hindi makadagdag sa bigat, trail foods, 2 liters tubig, sombrero, shades, googles, extrang pera at higit sa lahat camera.

Trivia:

Ang Mt. Manalmon ay isa sa mga mababang bundok na pwedeng akyatin sa loob ng isang oras. Ito rin ay pwedeng pwede para sa maghapong lakwatsa. Ang Mt. Manalmon ay matatagpuan sa Sitio Sibul, San Miguel, Bulacan. Ito ay may taas na 196 MASL. Ang Mt. Manalmon at  ang katabing Mt. Gola ay kabilang sa Biak na Bato National Park.

 

Advertisements

36 thoughts on “Madlum Cave, Bayukbok Cave, Monkey Bridge, River trekking, Mt. Manalmon at ang sari-saring pwedeng gawin sa San Miguel, Bulacan

    • Hi! Salamat sa pagbisita kay LS, possible po, pwede nyo sya isama papunta sa Manalmon Summit pero baka papabuhat sya sa inyo, anyway kakayanin naman kasi hindi naman ganun kahirap ang trail or pwede sya sa ilog may ibang trail naman papunta dun sa magandang paliguan sa baba ng Summit. Sa cave i doubt po, hindi sya pwede doon.

  1. Hello po :), kung mga nakamotor po ba eh may pwding pag iwanan ng motor na safe? at kaya po ba ng motor yung daan papuntang madlum? thank you po

      • Wala pang exact date eh, may nagoovernight po ba doon? may na rerentahan ng tent? salamt ulit 🙂

      • Pagdating nyo po sa sitio Madlum may payment na 20.00 per vehicle (entrance) d ko lang alam kung magkano sa motor tapos 25.00 para sa parking maghapon na yun. May ginagawa ngayon doon sa area for camping as of May 1, 2014 pero d ko pa sure kung kailan bubuksan tapos kung plan mag overnight pwede sa summit ng manalmon pero may limit lang ata ng 10-15 tent yung capacity nung area. Sa reg area mayroon ding place for camping at may mga table din na pinaparentahan pero so far wala pa ko narinig o nakita nagpaparent ng tent.

  2. May contact person po ba kau or can do kahit walk in lang pagpunta doon? I and my friend would like to go, pero wala po kakilala or any contacts.

    • ang aksidente po ay maiiwasan sa tamang pag-iingat at preparasyon. Kung may mga pagkukulang man sa isang side o both sides ay ipaubaya na po natin sa mga nagiimbestiga. Sa ngayon, prayers po ang mai-ooffer ko sa mga namatay at mga kamag-anak ng namatay.

  3. Hi po, nag-enjoy ako magbasa rito sa blog nyo. Tagal ko na po gusto magpunta sa mga ganyan. Question lang po, may mga matutulugan po ba like hotel na malapit sa area? Thanks sa mga info especially kung pano pumunta at overall budget. Ingat po and enjoy your next adventure :))

  4. Hi! Ask ko lang po sana if ever bukas na po iyong campsite by December? 🙂 Maganda po kasi iyong venue and perfect for my team’s budget kaya would it possible to accomodate us for an overnight camping? It would ba such a great privilege for us! Thank you! 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s