Baler Baler Baler!!!! Unang Araw sa Baler!

Nitong nakaraang Abril 2013 naisipan ni lakwatserong sulit na pumunta sa Baler, Aurora at nagplano ng mga maaaring gawin at puntahan. Kasama ng dalawa nyang kaibigan napagpasyahan nilang pumunta sa Baler noong Mayo 19-20, 2013.

Ang biyahe ni lakwatserong sulit ay nagmula sa Cubao, sabado ng hapon bandang alas 4 ng hapon ay sumakay si lakwatserong sulit sa Five Star transit patungong Cabanatuan Nueva Ecija. Kung ikaw kasi ay bibiyahe papuntang Baler, maaari kang sumakay sa Joy Bus ng Genesis sa Cubao diretsong Baler o kaya ay Cubao to Cabanatuan at Cabanatuan to Baler. Mas matagal ng konti ang biyahe kung via Cabanatuan pero dahil si lakwatserong sulit ay nakabadyet ang mga galaw mas pinili nya ang daang via Cabanatuan dahil ang kanyang mga friends ay nasa Laur, Nueva Ecija.

Siguraduhing ang Bus na sasakyan ay patungong SCTEX dahil mapapatagal ang biyahe kung dadaan pa ng San Miguel, Bulacan. Alas siete y medya na ng  gabi ng makarating si LS sa Cabanatuan at doon sya ay sinundo ng van ng kanyang friend patungong Laur at doon na sya natulog.

Alas tres ng madaling araw ng gumayak si LS at ang kanyang dalawang friend patungong Cabanatuan, hinatid sila ng kapatid ng kanyang friend hanggang sa terminal sa Laur. Mula doon may jeep na patungong Cabanatuan at mula Cab ay pwede silang mamili ng van o bus. Mga bandang alas sais y medya ng sumakay sila ng Aurora Bus patungong Baler at halos umabot ng  tatlo’t kalahating oras ang biniyahe nila patungong Baler. Sa Biyahe halos tulog madalas ang dalawang friend ni LS kaya naman siya na hindi makatulog sa biyahe ay nakipagkwentuhan na lang sa Bus drayber at Konduktor habang binabagtas ang kahabaan ng Pantabangan at Alfonzo Castaneda Nueva Vizcaya.DSC_0009

May nakuhang bagong impormasyon si LS habang nakikipagkwentuhan sa drayber, nalaman nya na meron palang maasim na rambutan na sobrang pula akala mo matamis buti na lang tinikman ko muna muntik na ko mapabili kasi mura. Ang tawag nila dito sa Aurora ay “Bulalla”.

Dumating din sa Baler ng bandang alas dies ng umaga si LS at doon ay naghihintay ang kanilang tricyle na inupahan dumiretso sila Carlitos isang restawrang eat-all-you-can sa halagang isang daan at matapos ang kain ay dumiretso sila sa bahay ni Aurora Quezon unang ginang ng Pilipinas at asawa ni Pangulong Manuel Quezon. DSC_0150Makikita dito ang lumang istilo ng bahay nila ngunit  mala moderno na ang dating. Makikita rin sa tabi ng bahay ni Aurora Quezon ang sasakyang gamit noon ni Pangulong Quezon, pwede kang magpa kodak at pumasok sa loob ng sasakyan at danasin ang malawak nitong loob. Ang sasakyan ay isang Chrysler Airflow Limousine. DSC_0128Napaka laki at napakakinis dahil na rin sa mga dinaanan nitong restoration upang mapreserba ang ganda ng sasakyan. Ang bahay ni Aurora ay isang historical site na pinagmamalaki ng Baler at sa harap nito matatagpuan ang Baler Church na nagdaan na rin ng ilang renovation.DSC_0143

Ang tunay na itsura ng simbahan ay makikita sa isang larawan sa “Museo de Baler” dito ang sunod na destinasyon ni LS. Nasa bandang likuran lamang ng simbahan ang Museo de Baler” sa harap nito ay makikita ang isang malaking rebulto ni Pangulong Quezon na nakaupo at animo’y nagmamasid subalit napakatikas ng dating. Maaari kang magmano kung gusto mo, isang bigay pugay sa magaling na pinuno ng ating bansa. Bago pumasok sa loob ng Museo ay kailangang mag rehistro, donasyon lang ang hinihingi ng Museo para sa patuloy na pagmementina at pagpapaganda ng Museo.DSC_0153

Ang labas ng pader ng museo ay mga sementong ukit at naglalarawan ng history ng bayan ng Baler.DSC_0242

Dalawang palapag ang museo sa babang palapag ay makikita ang isang malaking agila na napreserba, mga banga na nakuha sa ilalim ng dagat kasama ng mga porcelanang kagamitan, isang replika ng galleon, mga dahon ng mga halamang napreserba hango sa bayan ng Aurora. Sa pangalawang palapag ay makikita ang mga painting ng mga magagaling na pinuno at naging parte ng paghubog sa bayan ng Baler. Dito rin makikita ang malaking painting ni Pangulong Quezon.

Mula sa Museo ay dumiretso si LS kasama ng friends nya mga kaibigan nilang nasa Baler din at nagkamustahan at konting kodakan at dumiretso sila sa Amco Beach Resort, isa sa mga murang resorts sa Baler at doon ang check-in upang ilagay ang kanilang mga gamit. Nagbihis lang  at nag iwan ng ilang gamit ang mga friends ni LS ngunit sya ay dala dala pa rin ang kanyang backpack at mula doon ay tinungo nila ang famous Millenium Tree sa Ma. Aurora.DSC_0260

Ang tinatawag nilang Millenium Tree ay nasa humigit limang daang taon na ang tanda batay sa mga taga roon. Ang kahoy na ito ay isang Balete na halos kasing laki ng tatlong bahay na may tag-aapat na kwarto o baka higit pa. Ang balete ay maraming ugat at halos di mo makikita ang pinakapuno dahil sa dami ng ugat. Ang isa sa dinarayo ng mga turista dito ay ang karanasang maakyat ang kahoy na ito, sa loob kasi ng puno ng balete ay may daan paakyat. Syempre hindi masusulit ni lakwatserong sulit kung hindi nya susubukang umakyat dito kaya naman walang tanong tanong ay umakyat nga sila. Sa itaas ay makikita mo ang mga insekto ng balete na kumakain sa mga katawan ng kahoy na ito. Makikita din dito ang isang bahay ng mga malalaking bubuyog na sa tingin ni LS ay napaka mapanganib kung mabubulabog.DSC_0321

Ang sunod na destinasyon para sa unang araw sa Baler ay ang Ditumabo Falls. Mga dalawampung  minutong biyahe sa tricycle mabako, mabato, at nakakapagod na biyahe ang patungong Ditumabo Falls at bukod dun masakit din sa katawan ang mabakong daan.

Mula sa paanan ng ilog papunta sa Ditumabo ay mga tatlumpong minutong lakad naman. Bubungad sau ang maliit ngunit malinis na ilog na ang tubig ay nagmumula sa Ditumabo falls, makailang beses mo ring tatawirin ang ilog na ito  kaya pinapayo ng lakwatserong sulit na mag tsinelas o mag sandals kung pupunta ng Ditumabo falls.DSC_0347

Ang pagod na dulot ng lakad ay sobrang mapapawi sa ganda ng Ditumabo sa oras na masilayan mo ang rumaragasang malinis na tubig nito. Ang ginawa ni LS pagdating nya ay nilapag ang bag kinuha ang camera at nagpakasawang kumuha ng larawan ng Ditumabo falls. Makalipas ang ilang minuto ay sinimulang languyin ni LS ang binabagsakan ng tubig ngunit sa lakas ng agos ay natatangay sya gilid kaya naman sya umakyat na lang sa may tabi ng falls at nagpumilit akyatin ang mataas na parte ng talon na maaaring marating. Doon ay nagpakuha sya ng ilang litrato at makailang ulit na tumalon. Isa na namang tsek sa listahan ng mga dapat gawin kapag pwede tumalon sa falls.DSC_0399

Sobrang sarap maligo sa tubig kaya naman pati ang guide nila ay lumangoy din at nagbabad sa tubig.

Hindi mo mamamalayan ang oras kapag ikaw ay nasa Ditumabo falls, pero walang problema dahil sulit na sulit ang paliligo dito.

Papadilim na ng bumaba si LS at kanyang mga friend. Bago dumiretso sa kanilang tinutuluyan ay pumunta muna sila sa Sabang Beach upang tignan ang paglubog ng araw ngunit sa kasamaang palad ay d nila nakita ito dahil medyop lihis sa dagat ang paglubog ng araw. Nakontento na lang si LS sa pagkodak sa dalampasigan at sa mga tao dito.

Bumalik na sa Amco Beach Resort at nagbanlaw saka nagbihis para pumunta sa dalampasigan ng Sabang upang maghanap ng makakainan. Syempre dahil kailangan medyo mabusog dahil sa pagod naghanap sila ng mura at makakabusog. Kaya naman pagkatapos kumain at matindi-tinding kwentuhan eh syempre isang jumbo ang makakapadali ng antok sa tabing dagat. Pero dahil walang lugar na mapwestuhan sa tabing dagat, dumiretso na lang sa loob ng resort at doon na lang itinuloy ang kwentuhan.

Dito nagtapos ang unang araw ni LS sa Baler!

Itineraryo

Day 1

0400     ETD Laur to Cabanatuan
0700     ETD Cabanatuan
1030      ETA Baler
1100      Aurora Quezon House/Baler Church
1130      Museo de Baler
1200      Lunch at Carlitos or Gerry Shan
1245       ETD to Millenium Tree
0200      Ride to Ditumabo Falls
0230      Start trek to Ditumabo Falls
0300      ETA Ditumabo/Swim/Dive/Pictures
0430      Head back to Sabang Beach/watch out for the sunset
0530     Wash-up and rest
0700     Dinner

Budget

Day 1

P185.00     Bus Fare Cubao to Cabanatuan
P175.00    Bus Fare Cabanatuan to Baler
P900.00   Tryc rent for 2 days good for 4 persons
P10.00      Donation at the Museo de Baler
P100.00   Eat all you can lunch at Carlitos
P10.00      Donation at the Millenium Tree
P20.00      Environmental fee Ditumabo Falls
P100.00   Dinner
P1500.00 AMCO Hotel accommodation for 2 days for 4 persons

Advertisements

11 thoughts on “Baler Baler Baler!!!! Unang Araw sa Baler!

  1. Pingback: Baler Baler Baler! 2nd Day! | Lakwatserong Sulit

  2. I saw the pictures of amco beach resort it looks like an old mansion may i ask if do you have creepy thing experience there? Just want to ask because were planning to go in baler

  3. Planado ba bawat lakad nyo?
    Nagtatravel din ako madalas mag isa, mejo magastos nga lang.
    Laking tulong ng site mo, lalo na sa budget! =)

  4. Hi LS,i love your blog.i also wanted to explore those places you’ve been..you know i’ve been in baler but never visited those places except sa balete tree. my mom grew up in aurora, now i have a lots of reasons to visit my moms hometown.thanks…!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s