I TReK Pico De Loro

Pico De Loro Ternate, Cavite 664 MASL DSC_0308

June 16, 2013 Sa pangalawang pagkakataon napagbigyang muli na maakyat ni LS ang Pico De Loro. Ang pangalawang pag akyat dito ay  maypanibagong karanasan na namang napagdaanan kasama ng kanyang mga ka LS. Tama nga na “Mountaineers do not conquer the same mountain twice because every climb is a new experience”. Mahirap na masarap ang pangalawang akyat ni LS at kanyang mga kasama sa Pico De Loro una sa lahat dahil sa dagdag na bigat ng kanyang Bag upang masanay ang kanyang katatagan sa pagdala ng mabigat. Pano ba nagumpisa ang araw ni LS sa Pico De Loro? Here’s how? Mula sa Manila sumakay si Lakwatserong Sulit (LS) at kanyang mga kasama sa Pedro Gil ng Bus patungong Ternate, Cavite bandang alas kwatro y medya 4:30am. Sa halagang P96.00php ay darating ka sa Ternate, Cavite ng  alas syete ng umaga 7:00am at mula doon ay may mga nag aabang ng tricycle na maghahatid sa kanila sa jump off point (DENR) ng Pico De Loro. Subalit dahil di pa nag aalmusal ang mga ka LS ay nagpahatid muna sya sa may simbahan ng Ternate at doon kumain ng lugaw o binulbul sa pangalatok. Maraming mapagpipilian na pagkain sa tapat ng simbahan, may palabok, pansit, arroz caldo, lugaw with egg o laman, pwede ring kumain ng kain kung nanaisin.

Mula sa simbahan ay mga 30 minutong binagtas ng tricycle ang patungong jump off point. Sa halagang P75.00php per head ay narating ng mga ka LS ang jump off point sa DENR. Maraming pagbabago sa jump-off point una sa lahat may tindahan na at mayroon na ring mga pagkain na pagpipilian. Mga pang almusal na lutuin ang nagustuhan ng mga ka LS ay ang nilagang saging na saba na kanilang binaon paakyat. Bumili din sila ng T-shirt na pula na kung saan may nakasulat na I Trek Pico De Loro. DSC_0325

Sa jump-off ay may registration na P20.00php, matapos makapagpalit ng mga kasama ni LS ay nag umpisa na silang umakyat. Sa umpisa ay madaming kwento paakyat ngunit habang tumatagal ay bumabagal din ang kwento sayang at wala ang isa pang ka LS na mahilig magpatawa at magkwento si ka LS Den Magbojos.

Makalipas ang mga 30 minutong paglalakad ay dumating din ang mga ka LS sa may malaking punong nakahiga na kung saan may mga baguhang naliligaw kung pauwi dahil sa sangang daan na mas malaki. Mula dito ay mga limang minuto pang lakad bago dumating sa pangalawang registration area. Another P20.00php na registration fee para dito, kailangan din mag log-in dito. Pahinga-pahinga daw pag may time at kodak kodak din.

Ipinagpatuloy ng mga ka LS ang paglalakbay patungo sa tuktok ng Pico De Loro, mga bandang alas dyes 10:00am ng marating nila ang sangang daan patungo sa maliit na waterfalls at patungo sa matarik na bahagi ng akyat. May gate na kahoy pag akyat sa tila maliit na daanan ng tubig kapag umuulan bago ito ay may makikitang nakapaskil na sign patungo sa pico de loro na nakapako sa puno ng mahogany.DSC_0309

Bago umakyat sa matarik ay nag pahinga muna saglit sa may puno ng alibang-bang ang mga ka LS at kumain ng jellyace at nilagang saging pandagdag enerhiya. Ang alibang-bang tree ay ang senyales na malapit ka na sa matarik na akyat kaya naman dito nagpapahinga ng pansamantala ang mga mountaineer upang mag-ipon ng lakas. Matapos ang konting pahinga ay tumuloy na ang mga ka LS sa pag akyat pero dahil matarik ay nagpapahinga ang mga ka LS pagkatapos ng mga 10-20minutong lakad. Pagdating sa may puno ng balete ay nagpahinga ulit ang mga ka LS at doon ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Dito ay binalot ng mga ka LS ang kanilang mga gadyet, cellphones at cameras ngunit sa kasamang palad ang inyong lingod na ka LS ay sinamang palad na pinasok ng moist ang plastik na kilalagyan ng kanyang BB at di nya napansin at naging dahilan ng pagkasira nito dahil sa maghapong pagkakababad. Nakakalungkot!

Mga bandang alas onse 11:00am ng tumigil ang ulan at mga limang minuto na lang din ay mararating na nila ang campsite. Dumating sila sa campsite na parang mga basang sisiw kasama ng ilang paakyat din. Nagpahinga ng saglit ang mga ka LS at saka nag umpisang magkodakan sa campsite area na kung saan ay natatanaw na ang tuktok ng Pico De Loro.DSC_0369

Napakaganda ng paligid dahil sa pumaroot paritong mga ulap. Biglang natatakpan ang kapaligiran ng puting usok kasama ang buong tuktok ng Pico De Loro. Tanaw na tanaw ng mga ka LS ang luntiang kapaligiran sa Batangas at Cavite. Maraming kodakang ngyari sa campsite pa lang at dito nakilala ng mga ka LS ang nakasabay nilang grupo na umakyat. Sumali sila sa kodakan at saglit na nakipagkwentuhan. DSC_0282

Mga bandang alas onse y medya 11:30am ng mapagdesisyunan ng mga ka LS na dumiretso sa final assault. Ngunit may nakasalubong sila sa daan na humihingi ng tulong para sa kanilang kasamahan na nadulas dahil sa maputik at madulas na paakyat, ang sabi ay nasugatan ang naturang kasama nila. Sa tulong ng rescuer ay naibaba ang dalagitang nasugatan. Kahanga-hanga na bumaba ang rescuer na nakasalabay sa kanyang likuran ang dalagita.

Nag-antay ng pansamantala ang mga ka LS bago umakyat dahil hinayaan muna nilang makababa ang nasugatang dalaga. Makalipas ang limang minuto naibaba na rin ang sugatan at tumuloy na nga ang mga ka LS paakyat sa tuktok ng Pico De Loro. Habang nasa kalagitnaan ng pagakyat sa summit ay umulan na naman buti na lang at may dalang malaking plastik para sa camera si LS dahil iniwan na nila ang kanilang Bag sa campsite upang hindi na makasagabal sa pag akyat.DSC_0230

Ilang minuto ang dumaan, tumila din ang ulan at narating na rin nila ang tuktok. Bakit ang sarap ng pakiramdam kapag nasa tuktok, anong merong gayuma ang dulot nito kay LS. Nakakapukaw ng damdamin ang makita ang makapigil hiningang tanawin sa itaas ng Pico De Loro kahit na umuulan.DSC_0288

Ilang minutong walang patid na kakokodak ang nagdaan hanggang sa magsawa at magdesisyong bumaba sa campsite. Sa campsite ay humanap ng pwesto upang kumain ng mga dala-dalang trail foods. Masarap kumain lalo na at napakaganda ng tanawin, sabayan pa ng mga kwentuhan ng kakwelahan halos ayaw ng bumaba. Subalit hindi pwedeng hindi dahil may pasok kinabukasan. Bandang alas dos y medya 2:30pm ng sila ay mag umpisang bumaba. Hindi akalain ni LS na mhihirapan siya sa pagbaba ng Pico De Loro, habang pababa sa matarik na parte ay ininda nya ang kanyang tuhod ito ay dahil sa kanyang pagtakbo isang araw bago umakyat. Napagod ng husto ang kanyang tuhod kaya naman nahirapan syang bumaba. DSC_0230

Kahit mabagal ay masaya pa ring bumaba ang mga ka LS dala dala ang kakaiba na namang karanasan sa Pico De Loro. Apat na beses lang nagpahinga ang grupo hanggang sa marating ang kalsada mga bandang alas sinco dies 5:10pm ng hapon. Isang malaking pasasalamat at dumating din sa kapatagan ang mga ka LS ng ligtas. Dumiretso agad sa jump-off at doon ay namahinga ng saglit. Kapag daka’y kumain ng kanin dahil sa gutom na gutom ang mga ka LS. DSC_0397

Sa puntong ito ay saka pa lamang tinignan ang cellphone at doon nalaman na basang basa ang BB ni LS kaya naman malungkot siya ng pabalik na ng Manila. Ngunit ang karanasan sa Pico De Loro ng Day Hike na umuulan ay kakaiba at hindi mapaparisan. Huwag mag alinlangang sumuong sa matutunan kahit may kaakibat na lungkot meron namang mas malalim na kasiyahan.

Itinerary
Dayhike
0400     ETD Pedro Gil to Ternate, Cavite
0700     ETA Ternate/Breakfast
0730     ETD Jump-off Magnetic Hill, Ternate
0800     ETA Jump-off/Reg/Start Trek
0830     ETA 2nd Registration Area
1130     ETA Campsite
1200     Summit
0130     Back to Campsite
0230     Start descent
0510     ETA jump-off point
0600     Clean up 
0130     Back to Campsite
0230     Start descent
0510     ETA jump-off point
0600     Clean up
0630     ETD Saulog Terminal to Manila
0900     ETA Manila
 
Budget
 
P96.00     Bus Fare Pedro gil to Ternate
P75.00     Tryc from Ternate to jump-off
P40.00     Reg Fee for 2 reg areas
P70.00     Food
P280.00   T-shirt
P75.00     Tryc to Saulog Terminal
P94.00     Bus fare Ternate to Manila
Total       P  730.00php less the T shirt
Total      P  450.00php 
Advertisements

8 thoughts on “I TReK Pico De Loro

  1. RAMON P PARICA… I started reading the challenge of PICO DE LORO.. this is within our town of MARAGONDON, CAVITE. My feeling is as if i am hiking with you…the details of the trek is so inspiring that whoever will be able to read your experience the second time around is as if you were doing it the first time.. As you have said ” EACH CLIMB IS ANOTHER ONE” I enjoyed the trail and the trip itself..like a ‘TRIP TO HEAVEN”. I was once there ..but not at the peak…The kiss of the clouds is so soothing and calming..”WHATTA FEELING”, what more if you are at the peak.. .and surely you did it..KUDOS!!! your love of nature as well as the environment is mirrored by your expressions…You are one of the best hiker i ever knew..I respect you for that…looking forward for another climb to the peak of pico…for another cause….”LOVE”

  2. Pingback: 3rd Pico De Loro: Photo Album | Lakwatserong Sulit

  3. Hey man, my friend and I are hiking this on Saturday. I noticed the expense breakdown doesn’t include anything for a local guide. Are guides available? Would you know how much the fee is? And is it possible for two totally inexperienced hikers (that’s me and my friend) to do this hike without a guide? Hope to hear from you. Thanks so much! ^^

    • Hey, I don’t know how to say this pero i know kakayanin nyo un wag nyo lang e-underestimate ung pico dahan-dahan lang lalo na dun sa assault going to base camp mga 2 hrs un kaya pahinga-pahinga lang matarik yun.Bring enough water. 2-3 liters. If you’re doing a dayhike pwede na yan kung overnight mga 4 liters. Ingat lang sa final assault to the summit at sa parrot’s beak medyo madulas ang daan. As for the guide wala masyado nag ooffer sa DENR kasi madali naman hanapin ung way may mga 2- 3 na liko na medyo nakakalito pero kung natatakot kayo mag explore i would suggest Kuya Juanito tawagan nyo sya at sabihin nyo friend kayo ni Mon at kung pwede mag pa guide sa kanya going up. Mga 300-500 kayo na mag haggle mabait naman yun. Kung may plan kayo to do traverse he can also guide you, he can also arrange tricycle if you’re doing traverse para pumunta sa calayo beach if you want. I just don’t know the current rate ng tryc. If ever you are to call him pls inform me so that i could tell him. Kindly pm your number to Lakwatserong Sulit facebook if you don’t mind po. Here’s Kuya Juanito’s number 0930-375-1152
      Tips: Search the weather first kung maulan sa Ternate, Cavite on your planned date then i would suggest na ipagpaliban nyo muna ang pico.Enjoy the outdoor kapatid! LNT

      • Hey man, I got back online just now. Pico was fun, but hike was longer than expected. Haha! Twas very slippery too. It must have rained the night before. We made the traverse to place called Nasugbu I think. Too tired to want to see any beach after, we decided to take the bus home. Next time maybe. Thanks again. ^^

  4. another good one lakuwatserong sulit. hope to hook up with you and the gang or I try it myself with a friend. need your info when it close. I have this in my list, Pulag, Isarog or Pico de loro.
    I want to talk to you in fb. add me as friend in fb. its the terrain that I wanted to know more. good job sir.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s