Baler Baler Baler! 2nd Day!

Ang pangalawang araw ni LS sa Baler!

(Ang unang araw sa Baler ay dito matatagpuan)

Maagang nagumpisa ang araw ni LS, bandang alas kwatro ng umaga nagsimula na silang bumiyahe papunta sa Amper upang matanglawan ang sinasabi nilang nakakamamanghang pagsinag ng araw sa Amper na mas kilala sa tawag na Amper’s Sunrise. Mahaba-haba ang biyahe mula sa Sabang Beach ang Amper, inabot sila ng halos isa’t kalahating oras patungo rito.DSC_0455

Dahil sa maulap na papawirin, hindi nabiyayaan ng magandang pagsikat ng araw si LS subalit hindi ito naging hadlang upang sulitin ang pagpunta sa lugar. Umakyat sila sa mataas na bato at doon magpakodak. Malakas ang alon ng umagang yaon kaya naman nabasa ang laylayan ng kanilang mga suot subalit kasama ang lahat ng iyon sa napakagandang karanasan sa Amper.DSC_0508

Mula sa Amper ay nagtungo si LS sa tinatawag nilang Rolling Stone, isang lugar sa Baler na may may masarap na almusal at mura.

The Rolling Stone

The Rolling Stone

Sa halagang P35 pesos ay may masarap ka nang mapagpipilian kaya naman nirerekomenda ni LS na magtungo dito ng umaga kung ikaw ay nasa Baler. (Kung ikaw isa rin sa mga naghahanap kay Bob Ong, dito mo rin sya matatagpuan.)

Bob Ong

Bob Ong 😀

Mula sa Rolling Stone kami ay nagtungo naman sa Ermita Hill na kung saan sinasabing nagkanlong ang isang pamilya na bukod tanging naka-ligtas sa trahedyang dinulot ng tsunami. Sa daan ay makikita ang Aurora State College of Technology na itinayo pa noong panahon ni Pangulong Quezon ayon sa aming guide.

Aurora State College of Technology

Aurora State College of Technology

Sa Ermita Hill, sinasabing noon daw ay may nangyaring napakalaking trahedya na umubos sa lahat ng nakatira sa baybayin ng Baler ngunit may isang pamilya na nakaligtas dahil sa pag akyat nila sa Ermita Hill.DSC_0547

Makalipas ang nagdaang mga taon naging tanyag ang lugar na ito dahil sa pagkakaligtas ng isang pamilya at ginawa itong isang makasaysayang pook. Dahil dito, naglagay ng isang malaking puting Krus bilang simbolo ng tanda ng pananalig.DSC_0575

Sa taas ng Ermita Hill ay makikita sa kaliwang bahagi ang baybayin ng Sabang at sa kaliwang bahagi naman ay makikita ang Diguisit bay. Mainam na ehersisyo ang pag-akyat sa Ermita Hill kaya naman nirerekomenda ni LS na mula sa ibaba ay lakarin ng pa-akyat ang Ermita Hill hanggang sa umabot sa puting Krus.DSC_0563

Mula sa Ermita nagtungo si LS sa tinatawag ng mga taga roon na Dima dalangat Peak na katabi ng famous Puntian Cobra Reef dahil maaga pa low tide kaya naglakad kami sa ibabaw ng mga batuhan patungo sa sa maliit na gulod na may matarik na paakyat. Hindi kataasan ang Dima dalangat pero sa tuktok ay makikita ang famous Charlie’s point, Diguisit bay, Sabang Beach at tanaw din ang Krus ng Ermita Hill.IMG_1224

Mga bandang alas dyes na ng umaga 10:00am ng kami bumaba at nakaplanong pumunta sa Diguisit Falls. Sa daan kami ay nakatagpo ng mga kumukuha ng Buko at doon ay bumili ng pamatid uhaw na nagkakahalaga ng sampung piso (P10.00 kada isa) mabilis naubos ang tag iisang buko at pagdaka’y dumiretso na sa Diguisit Falls.IMG_1177

Ang Diguisit Falls ay makikita lamang sa gilid ng daan mga dalawampung metro paakyat hindi kagaya ng Ditumabo Falls na lalakarin ng halos kalahating oras. Malinis din ang tubig ng diguisit subalit walang lugar na pwedeng magbabad pero pwedeng maligo sa mismong talon ng tubig at ramdamin ang lakas ng talon na tila masahe sa katawan.DSC_0230

Pagkatapos ang ilang minutong paliligo at pagpapakodak sa Diguisit Falls tumuloy na sa Diguisit bay si LS at doon inumpisahang akyatin ang mga peak ng mga maliliit na pulo sa baybayin.IMG_1308

Sobrang nakakatuwa ang karanasan ni LS sa Diguisit kahit na hindi mapino ang buhangin sa baybayin. Sobrang enjoy ng lakad na to, dakong alas dose (12:00 noon) ng tanghali ay nagsimula ng gumayak pabalik sa resort na tinutuluyan si LS at nagdesisyong mag check out na.DSC_0606

Nakaplanong umalis ng alas tres ng hapon si LS sa Baler kaya naman pagkatapos gumayak ay nagtungo sa kainang pagmamay-ari ng pamilya ng guide nya sya nagtungo at doon kumain ng papaitan. Ang kainan ay malapit lamang sa Tourism Office ng Baler kaya madami ang kumakain. Pagkatapos mananghalian bandang ala una y medya ay nagtungo naman si LS sa bahay ng kanyang guide at doon tinikman ang halo-halo na tinda ng pinsan ng kanyang asawa. Dito na nagpalipas ng kaunting oras si LS at kanyang mga kasama bago tumungo sa terminal ng Bus pabalik ng Cabanatuan.

Sa puntong ito, maraming bagay ang nasa isipan ni LS unang una ang surfing na hindi nasubukan. Sa panahon kasi ng Mayo ay hindi kalakasan ang alon kaya naman ayon sa kanyang guide hindi gaanong nagkakaroon ng magandang alon para sa surfing. Ang kanyang payo ay kung pupunta ng Baler para sa surfing ay maiging mula September hanggang February dahil ito ang panahon na may magandang alon para sa surfing. Pasubali nya na kung magtutungo ng Baler ng ganitong buwan ay dapat makapagpareserba na ng matutuluyan isang buwan bago ang itinakdang punta upang maiwasan ang mahirap na paghahanap ng tutuluyan.

Ilan sa mga hindi napuntahan ni LS. Dinadjawan, Dicasalarin Cove, PAGASA weather station, mga lugar na nasa sa listahan na nais ding marating ni LS pero hindi na inabot ng kanyang limitadong oras. Ilan lamang sa mga nasa isipan ni LS na dapat mapuntahan kaya naman may mga rason upang siya ay bumalik at muling namnamin ang kagandahan ng Aurora.

Habang papauwi at nasa loob ng Bus ay pinagninilay-nilayan ni LS ang kanyang karanasan sa Baler na nakakatuwa, nakaka aliw at nakakamangha.

Ilan sa mga rekomendasyon ni LS kung kayo ay magtutungo sa Baler.

Unang bisitahin ang Tourism Office at doon humingi ng brochure na naglalaman ng mga tourist destination at mga maaaring gawin sa Aurora. Syempre dapat may matutuluyan na kayong lugar, resort man yan, homestay o hotel. Narito ang ilan sa mga brochure ng mga resort na maaaring pagpilian maliban sa mga makikita nyo sa internet.DSC_0432

DSC_0423DSC_0422DSC_0424Untitled-1Pagdating naman sa guide, kung kayo ay mag-isa lang mas makakatipid kung gagamit ng pampublikong transportasyon kaysa sa maag renta. Pero kung grupo kayo ng tatlo mas mainam na kayo ay magrerenta ng tricycle sa halagang P800-P1000 pesos para sa dalawang araw na lakwatsa sa Baler ay sulit na sulit na. Bukod sa hawak nyo ang oras nyo, mas makakatipid pa kayo. narito ang nirerekomendang guide ni LS.

Amco Beach Resort

Amco Beach Resort

Heydrich “Richie” Macalanda

Napaka-bait at kwelang kasama sa biyahe ni Kuya Richie kaya naman nirerekomenda ni LS na siya ang kunin nyong guide. Nakikibonding din sya at higit sa lahat kahit papano marunong sya kumuha ng litrato. Oh diba sulit. Pindutin ang link sa kanyang pangalan upang makontak sya sa kanyang facebook account. Pasensya na at nawala ni LS ang kanyang number. Update na lang kapag nakuha nya na ulit.

Ang mabait naming guide

Ang mabait naming guide na si Kuya Richie

Baler Itinerary

Day 2

0430 ETD to Amper for the famous Amper’s Sunrise
0630 Breakfast at the Rolling Stone
0700 ETD to Ermita Hill
0900 Dima dalangat peak/Puntian Cobra Reef
1030 Diguisit Falls
1100 Diguisit Bay
1200 Back to Amco Resort
0130 Check out/Lunch
0230 Aurora Bus Terminal
0300 ETD to Cabanatuan
0700 ETA Cabanatuan
0730 ETD to Manila
1030 ETA Manila

Budget

Day 2

P35.00 Breakfast at Rolling stone
P10.00 Buko
P45.00 1.5 coke
P65.00 Lunch
P15.00 Halo-halo
P180.00 T-shirt souvenir
P175.00 Bus Fare Baler to Cabanatuan
P185.00 Bus Fare Cabanatuan to Manila
P120.00 Dinner

Total budget for 2 day stay in Baler

Day 1 P1,400.00 per head (Day 1 Itinerary can be found here)

Day 2 P830.00 per head

Total Budget: P2,230.00

Advertisements

2 thoughts on “Baler Baler Baler! 2nd Day!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s