Tayabas: Another humble town of Quezon

Tayabas, Quezon
14° 00.825N   121° 37.002E

Lakwatsa sa bayan ng Tayabas, probinsya ng Quezon

Isang bayan sa Quezon ang napaglakwatsahan ni LS, sa umpisa halos hindi napapansin ang ganda ng bayan na ito, unang una marahil ay wala itong magandang beach, wala masyadong nakakaalam ng mga magagandang puntahan sa bayang ito. Sa ganitong kadahilan kaya naisipan ni LS na gawan ng konting pag-uulat ukol sa Tayabas.

DSC_0750Marahil ang pinakatanyag na sa Tayabas ay ang kanilang simbahan na ayon sa nasusulat. Ang unang simbahan na yari sa kawayan, nipa at anahaw ay ipinatayo ng mga prayleng pransiskano noong 1585 sa ilalim ng patronato ni San Miguel Arkanghel. Ito ay muling ipinaayos ni San Juan Bautista noong 1590. Noong 1600 ay pinatayo ang simbahang yari sa tisa, subalit ito ay nagiba ng lindol noong 1743. Nang sumunod na mga taon ang simbahan ay muling ipinagawa at pinalakihan. Ito ay higit pang pinalaki noong 1856 sa pamamagitan ng pagpapagawa ng transepto (Ang pahalang na bahagi ng isang hugis krus sa simbahan) at kupola (dome). Ang bubong na tisa ng transepto ay pinalitan ng galbanisadong yero noong 1894. Sinasabi rin sa marker na ang simbahang ito ang pinaka maganda sa Pilipinas.

DSC_0725Sa kasalukuyan ang loob simbahan ay nasa estado ng renobasyon na nangangailangan ng pondo kaya naman nanghihikayat si LS sa mga makakabasa nito na kung sakaling madaan kayo sa simbahan ng Tayabas ay huwag nyo pong kakaligtaang magbigay ng kaunting donasyon para dito. Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng sirang kisame. Butas-butas ang kisame ng Tayabas Church sa kasalukuyan at nangangailangan ng dagliang pagkukumpuni. DSC_0729

Ang simbahan ng Tayabas ang sinasabing may pinakamahabang pasilyo (aisle) at nagiging biruan na kung dito daw magpapakasal ay magkakaroon ng panahon para makapagisip ang babaeng ikakasal.

Si LS ay pinalad na makakita ng ikinakasal sa simbahan subalit hindi siya pinalad upang makunan ng larawan ang kupola (dome) sa may altar at transepto.

Narito pa ang ilang mga larawan ng simbahan:

DSC_0762

Ang ulo ng kerubin na disenyo sa mga lalagyan ng ilaw sa pader

DSC_0777

Ang larawan ng simbahan sa labas ng maliit na plaza

Malapit sa simbahan ay may makikitang isang kakaibang bahay na mala moderno ang istilo subalit yari sa maka-lumang materyales.

DSC_0773

Mga sampung metro mula sa simbahan ay makikita din ang Pambansang Suriang Pangkasaysayan o National Historical Institute. Ang naturang gusali ay sumasailalim din sa estado ng renobasyon.DSC_0781

Mga sampung metro mula sa Pambansang Suriang Pangkasaysayan ay makikita naman ang Bahay Pamahalaan ng Tayabas. Sa ikalawang palapag ay matatagpuan ang Tourism Office.

DSC_0782

Magmula sa may simbahan ay gugugol ng mga labinlima hanggang dalawampung minuto bago marating ang tinatawag na tulay ng Malagonlong.

Matatanaw ang tulay malagonlong mula sa ibabaw ng bagong tulay na bakal

Matatanaw ang tulay malagonlong mula sa ibabaw ng bagong tulay na bakal

Ang tulay malagonlong ay ginawa noong 1840 sa ilalim ng pangangasiwa ng kura paroko ng Tayabas, Si P. Antonio Mateos, at natapos noong 1850. Ang tulay malagonlong ay isa sa mga nalalabing tulay na bato sa bansa na ipinagawa sa panahon ng pananakop ng mga espanyol.

DSC_0812Pagkagaling sa tulay ng Malagonlong ay nakaplano si LS na kumain ng pananghalian sa Buddy’s isang restawran sa Tayabas na may kaparehong sangay sa bayan ng Lucban, Quezon kung saan ito nagumpisa. Nadaanan din ni LS ang ilang mga lumang bahay na ang mga bintana ay gawa sa Capiz.

DSC_0821

Ang Buddy’s ay ang isa sa pinakatanyag na kainan sa Tayabas kaya naman naisipan din ni LS na gawan ito ng hiwalay na tala (entry). Makikita ang tala patungkol sa Buddy’s dito.

DSC_0827

May mga lokal na pagkain din sa Tayabas isa na dito ang tanyag nilang piniritong siopao ayon sa ilan subalit hindi na pinalad si LS na matikman ang nasabing siopao dahil sa kabusugan sa Buddy’s.

Advertisements

2 thoughts on “Tayabas: Another humble town of Quezon

  1. Pingback: Lucban, Quezon | Lakwatserong Sulit

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s