Mt. Batulao

Mt. Batulao

Batulao, Batangas
811 MASL
LLA: 14.0408 N 120.8011 E

Isang napakagandang araw ang inabutan ng mga ka LS natin ng sila ay magumpisang umakyat sa Mt. Batulao. Umakyat noong April 9, 2013.

The Peak of Mt. Batulao

The Peak of Mt. Batulao

Mula Maynila ay sumakay ng Bus bandang 4:00 ng umaga sa Pasay ang mga ka LS biyaheng Calatagan at bumaba sila sa Evercrest Golf Course sa may Nasugbu, Batangas. Dito ang jump-off point, mula sa highway maaaring lakarin papuntang Registration Area o kaya naman ay sumakay ng Tricycle. Maraming nag-aabang na trcy na maghahatid ngunit bago tumalak sila LS patungong Reg Area ay nag almusal muna sila sa tabi ng Highway. Sa halagang P55.00 kada tao ay solve na ang kanilang almusal, dito na rin sila bumili ng pananghalian sa halagang P60.00 bago sumakay ng tryc.

Pagdating nila sa Reg Area ay walang tao na nakabantay, kaya tumuloy na silang umakyat. Hindi na kumuha ng guide sina LS dahil sinasabing madali lang ang daan paakyat sa tuktok. IMG_8110

Makalipas ang tatlumpong minutong paglalakad narating nila ang sangang daan na naghihiwalay sa new trail at old trail. Hindi ka maliligaw dahil mayroong tindahan ng softdrinks at halo-halo sa sangang daan. May palatandaan din na nagsasabing dito ang daan sa new trail.

9

Photo courtesy of Edwin Mantele

Habang nasa daan inabutan namin ang isang grupo din ng mga umaakyat na pinamumunuan ni Sir Gary Taniflex, nagkaroon ng maikling kwentuhan habang nagpapahinga hanggang sa magkapalagayan ng loob at nauwi sa madaming kodakan.IMG_8135

Nakakatuwa talaga ang umakyat sabi ni LS, dahil madaming makikilala mula sa iba’t ibang lakad ng buhay. May ilan na naaya lang na umakyat, merong mga doctor, nurse, photographer, architect at kung ano-ano pang profesyon ngunit nahimok ng ganda ng kalikasan.

IMG_8116

Peak 1 obvious ba 😀

Maya-maya pa’y narating nila ang peak 1, ito ay maliit na tuktok lang ngunit dahil sa akyat, baba, akyat, baba nilagyan nila ng numero ang bawat maliliit na tuktok hanggang marating ang Peak 12 na pinakamataas sa lahat ng peak. Marahil naisip nila kung di makayanan ng iba ang makapag summit sa peak 12 ay hindi naman sila manlulumo at madidismaya dahil narating din naman nila ang ibang peak.

Hindi kalayuan ang pagitan ng bawat peak kaya naman konting lakad pa ay nasa peak 2 na ang mga ka LS.IMG_8148

Ang ganda ng tanawin sa mula sa peak 2 dahil kitang kita dito ang guhit sa bundok na nabuo dahil sa naging daan ng mga umaakyat at napapalibutan ito ng luntiang kapaligiran. Ang Mt. Batulao ay may kakaunting kakahoyan kaya dapat kung aakyat dito ay siguraduhing maaga o kaya ay maghanda ng madaming tubig.IMG_8136

Ng umakyat dito sina LS ay nalaman nilang isang buwan pa lang ang nakalipas ng masunog ang mga talahib dito dahil sa kapabayaan ng tao. Ang tanawin na napakanda ay resulta pala ng sunog. Makikita sa tanawin na nagtutubuan ang mga talahib at iba’t ibang klase ng mga damo na nagresulta ng luntiang paligid.

IMG_8237

Campsite sa new trail

Narating ng mga ka LS ang campsite sa new trail kung saan may mga pinatag na parte ng bundok upang magkaroon ng espasyo para sa mga tent na itatayo kung nakaplanong mag overnight sa lugar.  Sa campsite ay may Registration dit ay magbabayad ng P20.00 para sa pagmementina ng lugar.

Solar charger

Solar charger

Dito nagpahinga si LS (Lakwatserong Sulit) at ang kanyang mga kasama kasabay ng mga bagong nakilala sa daan, nakipagsalo at pinagdamutan ang mga mumunting pagkaing dala-dala. Dito rin nakakita si LS ng solar charger. 🙂

Makalipas ang ilang minutong pahinga ay nagpatuloy sa paglalakad patungo sa tuktok ang mga ka LS.

IMG_8197

Habang papalapit ng papalapit sa tuktok lalong nararamdaman ang init ng araw kaya naman nararapat na magdala ng tubig na sasapat sa isang araw na lakarin (mga dalawang litro kada tao).

Nagpahingang muli ang mga ka LS sa bandang gitna ng peak 10 at peak 11 kung saan may maliit na kubong itinayo na may upuang kawayan upang maging pahingahan ng mga umaakyat. Dito napansin ni LS na mayroon talagang ilang hindi disiplinadong umaakyat dahil marami-rami na din ang naipong basura sa may kubo.

IMG_8277

Photo courtesy of Gary Taniflex

Habang nagpapahinga ay kodakan ulit. Salamat sa kuha ng bagong nakilala ni LS may picture siyang mala-emo ang dating.

Tinuloy-tuloy na ng mga ka LS ang pag akyat hanggang sa peak 12 dahil medyo umiinit na ang panahon kailangan magmadali. Pagdating sa tuktok ay mapapabubulalas sa ganda ng paligid at mamamangha sa gawa ng maykapal. Nakakawalang pagod ang tanawin sa tuktok, ang malamig at malakas na simoy ng hangin na tila nag iimbentang mag lagay ka ng duyan at ihihili ka nya ay paniguradong mararamdaman din. IMG_8292

At syempre hindi mawawala ang group picture kasama ng ibang grupo na nasa tuktok din.IMG_8323

Kapagdaka’y nagpasya ng bumaba sina LS at napagpasyahan nilang sa Old trail na dumaan para traverse ang dating. Dito sa old trail ay bubungad agad ang rappelling rope na gagamitin upang makababa sa matarik na bahagi ng bundok. IMG_8334

Kahit maiksi ang rappelling ay kakaiba pa rin lalo na sa mga hindi pa nakakaranas nito. IMG_8383

Mula rito ay dahan-dahan ang pagbaba dahil sa ilang matatarik na parte ng bundok na nangangailangan ng ibayong ingat. Makalipas ang halos tatlumpong minutong lakad pababa ay narating nila ang may punong bahagi ng Mt. Batulao, iilan lamang ang mga puno ng Talisay na makikita dito, salamat sa mga nagtanim ng mga Narra paakyat sa tuktok. Napansin ito ni LS habang papababa na may mga bagong tanim sa daanan.

Sa ilalim ng puno ng Talisay napagpasyahan nilang mananghalian, at magpahinga ng sandali.

Mula sa puno ng mga Talisay ay binagtas nila ang daan pababa patungo sa campsite sa old trail. Dito ay kailangan uling mag rehistro at magbayad ng kaukulang P20.00 pesos. Matapos ito ay kumuha lang ng ilang litrato at tumuloy na pababa.IMG_8346

Dito nalito sina LS sa daan pababa, nagkamali sila ng napasukan at nakapaglakad ng halos sampung minuto (in short naligaw) kaya bumalik sila at buti na lang may mga nakasalubong at napagtanungan.

Makailang beses ding tumigil sina LS upang magpahinga at nariyan pa ang tindahan ng buko sa daan na kanilang tinigilan upang uminom ng masarap na sabaw. Muntik na silang maubusan ng tubig buti na lang at may mga nagbebenta ng buko sa daan. Isa pang beses tumigil sa tindahan na kung saan nagbubuklod ang old trail at new trail dito ay nilasap nila ang lamig ng Mountain Dew na tinitinda dito habang ang iba ay masarap na ninanamnam ang kanilang halo-halo.

At makalipas ang isa’t kalahating oras na lakad ay narating na nila ang paradaan ng tryc. Sumakay sila ulit hanggang sa highway at doon na naligo at nagpalit ng damit.

Mula doon ay sumakay sila ng jeep patungong Tagaytay at doon kumain ng hapunan saka sumakay ng Bus patungong Manila.

Itinerary for Mt. Batulao
 
Dayhike
0400     ETD Pasay (at the Back of Sogo Hotel) Bus going to Calatagan
0630     ETA Evercrest Golf Course Nasugbu/Breakfast
0710     Start Trek
0930     ETA new trail campsite
1100     Summit
1130     Start descent
1200     Lunch
0100     ETA campsite old trail
0230     Back to fork road (new-old trail meet)
0330     ETA jump-off point
0400    Clean up
0430     ETA Tagaytay
0500     Early Dinner
0730     ETA Manila
 
Budget
 
P 117.00    Bus fare going to Batulao
P  55.00     Breakfast per head
P  33.33      Tryc fare (100.00 3 pax)
P  60.00     Take out Lunch
P  20.00     Registration Fee (new trail)
P  25.00     Buko
P  25.00     Mountain dew
P  33.00     Tryc fare (100.00 3 pax)
P  20.00     Bath 
P  20.00     Mineral water
P  18.00     Jeepney fare to Tagaytay
P 120.00   Dinner at Mang Inasal
P   90.00    Bus fare (Tagaytay to Manila)
 
P 616.66    Total Budget
 
Kung nais pang makatipid, maaaring magbaon na lang para hindi na bibili ng pagkain.
Advertisements

7 thoughts on “Mt. Batulao

  1. This post brought back so many memories. Yung mga first time kong na-experience sa pag-akyat. Ito kasi yung kauna-unahang bundok na na-summit ko. That was when I joined the First Annual Amputee Climb back in 2009.

    First love never dies I must say.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s