12 Beaches that will make you want to save for the summer

12 Beaches that should be in your bucket list

Philippine archipelago comprises of 7,107 islands which houses spectacular if not the best beaches. We are very rich in natural resources and our gems are way more than we could imagine.  Choosing the best beach for me is a tough choice because there are a lot of things to consider: the sand, the location, the landscape, the waves, the people and personal experience. That’s why the list below is just a compilation of Lakwatserong Sulit Philippine Beaches to choose from and hopefully it inspires you to save for the summer and make your own travel plans. I believe that each island and beaches has its own unique beauty depends on your taste and preference.

1. Nacpan Beach, El Nido, Palawan

DSC_0550

Nacpan Beach is one of my favorite, though I’ve only visited this place once I am considering this as the most tranquil beach. If you happen to love the quietness of the beach this one is definitely for you. A perfect place to have some chill me-time moment with its undisturbed ambiance. The ivory sand coupled with its very lengthy shoreline dotted with swaying coconut trees will truly relax your senses. Continue reading

Advertisements

Baler Baler Baler! 2nd Day!

Ang pangalawang araw ni LS sa Baler!

(Ang unang araw sa Baler ay dito matatagpuan)

Maagang nagumpisa ang araw ni LS, bandang alas kwatro ng umaga nagsimula na silang bumiyahe papunta sa Amper upang matanglawan ang sinasabi nilang nakakamamanghang pagsinag ng araw sa Amper na mas kilala sa tawag na Amper’s Sunrise. Mahaba-haba ang biyahe mula sa Sabang Beach ang Amper, inabot sila ng halos isa’t kalahating oras patungo rito.DSC_0455

Dahil sa maulap na papawirin, hindi nabiyayaan ng magandang pagsikat ng araw si LS subalit hindi ito naging hadlang upang sulitin ang pagpunta sa lugar. Umakyat sila sa mataas na bato at doon magpakodak. Malakas ang alon ng umagang yaon kaya naman nabasa ang laylayan ng kanilang mga suot subalit kasama ang lahat ng iyon sa napakagandang karanasan sa Amper. Continue reading

Baler Baler Baler!!!! Unang Araw sa Baler!

Nitong nakaraang Abril 2013 naisipan ni lakwatserong sulit na pumunta sa Baler, Aurora at nagplano ng mga maaaring gawin at puntahan. Kasama ng dalawa nyang kaibigan napagpasyahan nilang pumunta sa Baler noong Mayo 19-20, 2013.

Ang biyahe ni lakwatserong sulit ay nagmula sa Cubao, sabado ng hapon bandang alas 4 ng hapon ay sumakay si lakwatserong sulit sa Five Star transit patungong Cabanatuan Nueva Ecija. Kung ikaw kasi ay bibiyahe papuntang Baler, maaari kang sumakay sa Joy Bus ng Genesis sa Cubao diretsong Baler o kaya ay Cubao to Cabanatuan at Cabanatuan to Baler. Mas matagal ng konti ang biyahe kung via Cabanatuan pero dahil si lakwatserong sulit ay nakabadyet ang mga galaw mas pinili nya ang daang via Cabanatuan dahil ang kanyang mga friends ay nasa Laur, Nueva Ecija.

Siguraduhing ang Bus na sasakyan ay patungong SCTEX dahil mapapatagal ang biyahe kung dadaan pa ng San Miguel, Bulacan. Alas siete y medya na ng  gabi ng makarating si LS sa Cabanatuan at doon sya ay sinundo ng van ng kanyang friend patungong Laur at doon na sya natulog.

Alas tres ng madaling araw ng gumayak si LS at ang kanyang dalawang friend patungong Cabanatuan, hinatid sila ng kapatid ng kanyang friend hanggang sa terminal sa Laur. Mula doon may jeep na patungong Cabanatuan at mula Cab ay pwede silang mamili ng van o bus. Mga bandang alas sais y medya ng sumakay sila ng Aurora Bus patungong Baler at halos umabot ng  tatlo’t kalahating oras ang biniyahe nila patungong Baler. Sa Biyahe halos tulog madalas ang dalawang friend ni LS kaya naman siya na hindi makatulog sa biyahe ay nakipagkwentuhan na lang sa Bus drayber at Konduktor habang binabagtas ang kahabaan ng Pantabangan at Alfonzo Castaneda Nueva Vizcaya.DSC_0009

May nakuhang bagong impormasyon si LS habang nakikipagkwentuhan sa drayber, nalaman nya na meron palang maasim na rambutan na sobrang pula akala mo matamis buti na lang tinikman ko muna muntik na ko mapabili kasi mura. Ang tawag nila dito sa Aurora ay “Bulalla”.

Dumating din sa Baler ng bandang alas dies ng umaga si LS at doon ay naghihintay ang kanilang tricyle na inupahan dumiretso sila Carlitos isang restawrang eat-all-you-can sa halagang isang daan at matapos ang kain ay dumiretso sila sa bahay ni Aurora Quezon unang ginang ng Pilipinas at asawa ni Pangulong Manuel Quezon. DSC_0150Makikita dito ang lumang istilo ng bahay nila ngunit  mala moderno na ang dating. Makikita rin sa tabi ng bahay ni Aurora Quezon ang sasakyang gamit noon ni Pangulong Quezon, pwede kang magpa kodak at pumasok sa loob ng sasakyan at danasin ang malawak nitong loob. Ang sasakyan ay isang Chrysler Airflow Limousine. Continue reading